Shop Mobile More Submit  Join Login
×
1)Libingan/Sementeryo.
     CONS
      a)Kung wala kang pambayad sa lupa, huhukayin ang labi mo at isasako.
      b)Hindi naman forever mababayaran ang puntod mo or makakalimutan din ang
existence mo ng mga future kamag-anak mo.
      c)pangit ang ambience...puro marmol. parang redundant..
      d)tambayan ng rugby boys at adik.
      e)(post mortem) claustrophobia?
      f)maraming talahiban kung saan puwede kang itambak enitaym.
      g)madaling target ng grave robbers o necrophilliacs
    PROS
      a)parati kang may katabi     
      b)tambayan ng rugby boys at adik (wink, wink)
      c)tahimik
      d)baka me makatabi kang celebrity
      e)parati kang nakapostura
      f)walang makakalimot ng bertdey mo.

2)Cremation
    CONS
      a)baka mapagkamalan kang Ovaltine ng apo mo
      b)baka gamitin kang toilet ni muning
      c)baka mapagkamalan kang face powder ni ateng
      d)sunog ka..abo ka..etc..
      e)bawal ka pumunta ng resort
      f)bawal ka magpilgrimage sa red/dead/o anu mang dagat
      g)baka mapagkamalan kang biological/chem weapon
    PROS
      a)travel size ka na
      b)kung idol mo si Sandman o Clayface
      c)Mas mura kesa libing

3)Mummification
    CONS
       a)mabubulok sa kuweba,sarcophagus, o saan ka man tinambak
       b)nanakawin ka sa kuweba,sarcophagus, o saan ka man tinambak
       c)aalisin ang laman loob mo at ilalagay sa garapong korteng hayop
    PROS
      a)Puwede kang mamyuseum
      b)the feeling of being wanted, dahil kinse mil bawat piraso.
may tiyansa ring maka-travel around the world
      c)puwede ka mamidya or ipangalan sa sikat na news anchor
      d)maganda ang view kung mataas ka sa social strata ng Ibaloi

4)Viking burial
    CONS
      a)sunog ka rin
      b)me giyera kang haharapin kapag sumakalawang buhay ka
   PROS
      a)astig yung proseso
      
5)Ibato sa vacuums of space ang labi
     CONS
       a)mamamanas ka, baka mapagkamalan kang UFO o sattelite
       b)lonely, malamig, mag-isa ka parati
     PROS
        a)isa kang taong bulalakaw na naka-stasis sa kalawakan
        b)hihiling ang mga tao kapag dumadaan ka sa kalangitan.